Hindi lang sa pagsulat kundi pati sa pagbigkas, ganito ipinamalas ng mga Quezonians ang kanilang kahusayan sa ating katutubong wika noong Agosto, buwan ng pagdiwang ng Filipino, ang ating Pambansang Wika. Ito ay lalong naging makahulugan dahil ang ama ng ating pamabansang wika ay si Pangulong Manuel L. Quezon na naging inspirasyon ng mga school founders sa pagtatag ng MLQU.
Sa ilalim ng temangFilipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha ang mga estudyante ay nagpakita ng kahusayan at gilas sa paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng pagsali sa mga timpalak at paligsahan at pagtatanghal katulad ng Spoken Poetry, Essay Writing Contest, Poster Making Contest, Dance Contest and Singing Contest.
Noong ika 31 ng Agosto, 2022, bilang pagtatapos ng isang buwang pagdiwang, nagkaroon ng pagtitipon ang mga estudyante at MLQU officials. Ito ay nagsimula sa isang misa ng pasasalamat na pinamunuan ng priest presider Fr. Nanding Santos. Kasunod nito, nagbigay ng pambungad na salita si Ms. Mary Antoniette Lucille P. Ortile, University EVP at binigyang parangal ang wikang Filipino at iba’t ibang lenguwahe na ginagamit sa ibat ibang bahagi ng ating bansa. Sa kanyang talumpati naman, pinalalahanan ni Dr. Jaime Gutierrez ang mga estudyante na bukod sa pagdiwang ng ating pambansang wika, ang buwan ng Agosto ay panahon ng paggunita sa kahalagahan ng History at Press Freedom sa ating demokrasya. Sa pangwakas na talumpati, binigyang diin ni Ms. Rhia Clarissa C. Vicente na dapat lalong palawakin ang kaalaman ng lahat ukol sa mayaman at mayabong na kasaysayan ng ating mga katutubong lengguwahe at dapat igalang at mahalin ang mga ito ng bawat Pilipino dahil dito matutuklasan ang ugat ng ating lahi.
Bilang pangwakas, binigyang parangal ang mga sumusunod na nanalo sa iba’t ibang paligsahan:
1. Spoken Poetry
a. Maythel Canecio – General Education Department
b. Keziah Abelida – Basic Education Department
2.Pagsulat ng Sanaysay
a. James Matthew Custodio – General Education Department
b. Elijanel Celeridad – Basic Education Department
3. Paggawa ng Poster
a. Juliana Andrea Vitug – General Education Department
b. Merlyne Joy Butch – Basic Education Department
4. Sayaw Pinoy
Ea Francine Dionela at Ehra Joy Rico – Basic Education Department
5. Solo Awit
Jhamaila Kim Artigas – General Education Department
Malinaw na naipakita ng mga Quezonians ang kanilang kahusayan sa ating wikang pambansa, na tanda ng paggalang at pagmamahal sa lenguwahe ng ating mga ninuno, na kabilang sina Andres Bonifacio, Marcelo H. del Pilar, Francisco Balagtas, Jose Corazon de Jesus at iba pa.